Headline inflation o pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa Camarines Norte bumagal sa antas na 2.7 % noong Disyembre 2021

CAMARINES NORTE- Bumagal pa ang “headline inflation” o pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa lalawigan ng Camarines Norte noong Disyembre 2021.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) naitala sa lalawigan ang antas na 2.7 % inflation rate na mas mababa sa 6.9 % sa parehong panahon noong 2020 at sa 4. 3 % noong Nobyembre 2021.

Ito na rin ang pinakamababang inflation sa buong taon ng 2021 at pang apat sa pinakamababa sa loob ng siyam na taon o mula noong 2013.

Sa buong Bicol Region ay bumagal din ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa antas na 3. 6 % na mas mababa sa 6.6 % sa kaparehong panahon noong 2020 at sa 5.1 % noong Nobyembre 2021.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Pinakamababa ito sa rehiyon sa buong taon ng 2021 at  isa sa pinakamababa sa loob ng siyam na taon.

Sa anim na probinsiya ng Bicol pinakamabilis ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa Masbate sa antas na 5. 7%.

Pinakamabagal naman ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa Sorsogon na bumagal pa sa antas na 2.4 %, pero mas mabilis ito sa 1. 7 % noong Nobyembre 2021.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa pangkalahatan sa buong bansa ay naitala ang 3. 6 % inflation na mas mababa sa 4. 2 % noong Nobyembre at ito na rin ang pinamababang inflation sa buong taon ng 2021.

Isa sa dahilan ng mababang inflation ay dahil sa mabagal ding pagalaw ng food and non- alcoholic beverages.

Kapag mataas ang inflation kinakailangang gumastos ng mas maraming pera ang mga tao para sa mga serbisyo at produkto na kanilang binibili.