LEGAZPI CITY – Ipinaliwanag ni Patricia Gutierez, ang spokesperson ng Albay Power and Energy Corporation (APEC), ang mga dahilan ng nararanasang trip off at pagkawala ng supply ng kuryente nitong nagdaang taon dahil sa pagdoble ng population ng tao sa lalawigan ng Albay at hindi na rin kinakaya ang bigat ng capacity ng kuryente sa mga transmission.
Ayon kay Gutierez, hindi nila akalain na halos triple ang population sa lugar o bayan kung kayat bumibigat ang supply ng kuryente sa mga lugar.
Maliban pa rito, maging ang mga business establishment ay dumarami na rin kung kayat nakakaranas na ng trip off na hindi na rin kayang supplayan ng kuryente.
Tanging ginagawa ng nasabing corporation ay hinihiwalay na nito ang residential at commercial ang kanilang kuryente upang hindi na nabibigatan sa pagbigay ng kuryente patungo sa mga consumer’s.
Dagdag pa nito, nagkakaroon na rin ng rehabilitation program ang korporasyo sa supply kuryente upang masolusyunan ang problema ng mga Albayano pagdating sa palagiang brown out nito.