Hazing sa frat, binatikos ni PRRD

Hindi nakadaragdag sa pagkalalaki ang mga pagsasailalim sa sobra-sobrang pagpapahirap para lamang makasali sa isang kapatiran.

Sa taped briefing ni Pangulong Rodrigo Duterte, binatikos nito ang labis na physical punishment na umiiral sa mga fraternity.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Aniya, ang pagtatatag ng kapatiran ay para sa mga academic endeavors at hindi para magsakitan.

Sinariwa ng Pangulo ang panahong aktibo pa ito sa kanyang fraternity kung saan ay sinulatan niya raw ito para ihinto na ang bayolenteng hazing.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Giit nito, hindi nakadaragdag ng pagkalalaki, kahit sa sarili, kung makakapaslang ka ng isang taong walang kalaban laban.
#