Halos 40k schools, all-set na sa halalan

Handang-handa na ang libu-libong mga paaralan sa iba’t ibang bahagi ng bansa para magsilbi bilang mga polling precints sa Mayo a-nueve.

Ito ang tiniyak ng Department of Education sa isang panayam, higit isang linggo bago ang halalan.

Ayon kay DepEd public affairs director Marcelo Bragado, all-set na ang higit 37,000 na mga pampublikong paaralan sa pagsasagawa ng mapayapa at swabeng eleksyon.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Ready na rin umano ang mga guro na magsisilbi naman bilang mga board of election inspectors.

Ito ay matapos ang pagsasailalim nila sa pagsasanay para matiyak na walang aberyang kahaharapin ang mga botante sa May 9, gayun din ang pagsisigurong tapat at malinis ang resulta ng eleksyon.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Nakatakdang magkaroon ng testing at vote counting machines sealing ang mga nasabing public schools mula sa susunod na linggo, araw ng Lunes.

Sa huli, muling siniguro ni Bragado na nakalatag ang mga health protocols sa mga polling precints para masiguro ang kaligtasan at maayos na kalusugan ng mga guro at botante.
#