Magsasama muli ang “Harry Potter” stars na sina Daniel Radcliffe, Emma Watson at Rupert Grint at ang iba pang cast members ng blockbuster film franchise para sa isang special 20th anniversary TV retrospective.
Gayunman, hindi kasama sa reunion ang “Harry Potter” author na si J.K. Rowling sa mga personalidad na lalabas sa TV special.
Makakasama din ng dating child actors sina Robbie Coltrane na gumanap bilang Hagrid; Tom Felton (Draco Malfoy), Helena Bonham Carter (Bellatrix Lestrange); Gary Oldman (Sirius Black); direktor na si Chris Columbus; at iba pang stars ng walong pelikula.
Ayon sa Watner Bros, gagawin ang “Harry Potter 20th Anniversary: Return to Hogwarts” sa movie set sa London kung saan ay ginawa ang unang pelikula.
Ibo-broadcast naman ang TV special sa January 1 sa streaming platform na HBo Max, habang maari naman itong mapanuod ng mga Pilipino sa HBO Go.
