LPA sa loob ng PAR, mababa ang tyansa na maging tropical depression – PAGASA

Mababa ang tyansa na maging isang ganap na bagyo ang low pressure area na na-monitor sa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng LPA sa layong 675 kilometers, Silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

Sinabi ng weather bureau na bagama’t may kalayuan ang LPA, ay maari pa rin ito magdulot ng pag-ulan lalo na sa eastern section ng Visayas at eastern section ng Luzon.

Ipinunto ng PAGASA na nakapaloob ang LPA sa Intertropical Convergence Zone na nakakaapekto sa Palawan, Visayas, at Midnanao.

Dahil sa mga nabanggit na weather system ay asahan na ang kalat-kalat na pag-ulan sa Palawan at Catanduanes.

Samantala, amihan naman ang patuloy na umiiral sa Extreme Northern Luzon.

Magdudulot ito ng mahinang pag-ulan sa Cagayan at Apayao habang iiral naman sa nalalabing bahagi ng Luzon ang pulo-pulong mahinang pag-ulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *