Hangin sa Naga City, hindi pa polluted –CENRO

NAGA CITY – Hindi pa maituturing na polluted ang hangin sa Naga City sa kabila ng dumaraming sasakyan sa lungsod.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Marvin Sagun, Environmental Specialist II Airshed Division ng City Environment and Natural Resources Office. Base sa kanilang pinakahuling monitoring, maganda pa ang kalidad ng hangin sa lungsod at malabo pang i-klasipika bilang polluted air kahit na may 30 mga sasakyan sa Naga City ang nabigyan nila ng citation ticket dahil sa bumagsak ito sa air standards na kailangan nilang sundin. Paliwanag ni Sagun, bilang isa ang lungsod sa laging nadadaanan ng bagyo at nakakaranas ng pag-uulan, nadadala nito ang air pollutants sa paligid rason para hindi na maipon pa sa lugar.

Noong nakaraang linggo, lumabas sa datos ng US-based Health Effects Institute na halos dalawang libong bata ang namamatay sa buong mundo araw-araw dahil sa air pollution. Itinuturing na ito bilang ikalawa sa mga cause of death ng tao at kabilang ang Asya sa may pinakamalaking bilang ng mga namamatay dahil sa maruming hangin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *