Halos limang pisong umento sa diesel, sasambulat sa mga motorista

Panibagong oil price hike na naman ang sasalubong sa mga motorista sa susunod na linggo.

Ayon sa ilang oil industry sources, kung pagbabasehan ang June 14 to 20 trading week, posibleng pumalo sa P4.30 hangang P4.50 per liter ang umento sa presyo ng diesel habang P1.50 hangang P1.60 per liter sa gasolina.

Read More:  More than 1,100 PNP personnel face penalties amid internal cleansing drive

Ganito din ang taas-presyong nakikita ng kumpanyang Unioil sa susunod na linggo.

Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad kabilang sa mga dahilan na naka-epekto sa galaw sa presyo ng langis sa world market ay ang tag-init sa northern hemisphere countries, pagluluwag ng China mula sa lockdown, at European Union ban sa Russian oil imports.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Sa kasalukuyan umabot na sa P26.55 per liter ang year-to-date adjustments para sa gasolina habang P36.85 kada litro naman sa diesel.
#