Halos kalahati ng suplay ng tubig nasasayang ayon sa Primewater

CAMARINES NORTE – Aminado ang Primewater Infrastructure Corporation na malaki ang nawawalang tubig o ang tinatawag na Non-Revenue Water (NRW) na halos kalahati ng kanilang suplay.

Ayon kay Branch Manager Engr. Johnson Chan, nasa 45 % ang unaccounted o nawawalang tubig na kailangan umano nilang masolusyonan.

Aniya 20 % lang dapat o mas mababa pa ang dapat NRW ng isang water district batay sa itinatadhana ng Local Water Utilities Administration o LUWA..

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Ayon kay Chan malaki pa ang kailangan nilang tabahuhin para maibaba ang NRW pero hindi umano ito madali.

Paliwanag ni Chan na kailangan ang malaking halaga ng pera para maresolbahan ang NRW dahil hindi ito kaya ng simpleng leak repair.

Marami aniyang mga lumang tubo na kailangan pang palitan.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Kung maalala ay may dati nang report ang Commission on Audit (COA) hinggil sa unaccounted  o nawawalang tubig.

Mula Enero hanggang Disyembre ng 2018 ay umabot sa 14, 027, 585  cubic meters ang kabuuang water production ng PrimeWater pero umabot lang sa 6, 685, 067 cubic meters ang naibenta.

Nilinaw naman ni Chan na hindi ipinapasa sa kunsomidores ang bayarin sa NRW.