KORONADAL CITY- TARGET ng Department of Health o DOH Region 12 ang 74,898 na mga senior citizens na maging fully vaccinated laban sa COVID 19 sa isinasagawang “Sa Booster PinasLakas’ COVID-19 vaccination campaign.
Ito ay 90% ng mga senior citizens o mga pasok sa A2 category.
May pinakamataas na target sa A2 vaccination ang North Cotabato na umabot sa 26, 370; 16,554 sa South Cotabato; 11,748 sa Sultan Kudarat; 11,631 sa Saranggani; at 8, 686 sa General Santos City.
Para naman sa booster dose vaccination, target ng DOH 12 na mabakunahan ng 1st booster dose ang 1,332,584 na mga indibidwal o 50% booster coverage.
May mataas na target ang North Cotabato na aabot sa 447,094; 296, 402 sa South Cotabato; 252, 037 sa Sultan Kudarat; 179, 492 sa Saranggani; at 157, 560 sa General Santos City.
Sa pinakahuling datos ng DOH 12, 75.81% pa lamang o 2, 482, 469 ng 3, 274, 479 target population ang fully vaccinated.
