Lumakas pa at isa nang Tropical Storm ang Bagyong Florita habang nananatili sa bahagi ng Philippine Sea at patuloy na tinutumbok ang Cagayan Valley Region.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang TS Florita sa layong 215 km silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay na ang lakas ng hangin na aabot sa 75 kph malapit sa gitna at pagbusgo na papalo naman sa 90 kph.
Kumikilos ito patungo sa direksyong kanluran timog-kanluran sa bilis 15 kph.
Kaugnay nito, itinaas ng PAGASA ang ilang lugar sa Northern Luzon sa Storm Signal No. 2, kabilang ang:
• Silangang bahagi ng Cagayan
• Silangan at gitnang bahagi ng Isabela
• extreme northern portion ng Aurora
• northeastern portion of Quirino
Storm Signal No. 1 naman sa
• Nalalabing bahagi ng Cagayan
• Nalalabing bahagi ng Isabela
• Nalalabing bahagi ng Quirino
• Nueva Vizcaya
• Apayao
• Abra
• Kalinga
• Mountain Province
• Ifugao
• Benguet
• La Union
• Ilocos Norte
• Ilocos Sur
• northern at central portions ng Aurora
• northern portion ng Polillo Island
Sinabi ng weather bureau na aasahan ang malalakas na pag-ulan at pabugso-bugsong hangin sa mga naturang lugar lalo na sa mga susunod na oras.
Bukas ng umaga, inaasahang maglaland-fall sa bahagi ng Cagayan ang Bagyong Florita at saka ito tutungo at inaasahang muling maglaland-fall sa bahagi naman ng Babuyan Islands.
Sa araw pa naman ng Miyerkules inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang nasabing bagyo.
Samantala, para naman sa nalalabing bahagi ng bansa, aasahan din ang katamtaman hanggang sa malakas na ulan dulot ng extension ng Bagyong Florita at ng malakas na hanging habagat. (CM)
#