LGU Surallah magbibigay ng insentibo sa kampanya kontra ASF

KORONADAL CITY- MAGBIBIGAY ng insentibo si Surallah Mayor Pedro Matinong sa mga indibidwal na makatutulong sa kanilang kampanya laban sa African Swine Fever o ASF partikular na sa Barangay Naci.

Ayon kay Mayor Matinong na magbibigay ito ng P 300 na insentibo sa mga makapagtuturo o makakapag-report sa sinuman na nagpapapasok at nagkakatay ng baboy sa naturang lugar.
Inihayag ng alkalde na importante ang kooperasyon ng komunidad sa pagsugpo sa naturang virus.

Read More:  Six arrested in Leyte over alleged illegal diesel sale

Sa ngayon, manageable na aniya ang ASF sa Barangay Naci at pinagsisikapan ng mga ito na ma-lift na ang ASF declaration sa bayan ng Surallah.

Read More:  13-Year-old student involved in Davao school stabbing

Noong buwan ng Hunyo, aabot sa 200 mga baboy ang isinailalim sa culling sa nasabing barangay dahil sa kumpirmadong kaso ng ASF.