Halos 600 PNP officials, nag-resign na

Aabot na sa halos 600 na mga police generals ang nagsipag-sumite na ng kani-kanilang mga courtesy resignations bilang bahagi ng internal cleansing sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Interior Secretary Benhur Abalos, 60% ito ng higit sa 900 mga full colonels at PNP generals na hiniling niyang magbitiw na sa puwesto para magkaroon ng bagong simula sa Kapulisan.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Sa panayam, kinumpirma ng Kalihim na sa pagsasagawa ng kanilang verification process – lumabas na ang ilan sa mga nag-resign ay positibong sangkot sa kalakaran ng iligal na droga.

Napag-alaman ding nasa P7Billion na halaga ng mga ipinagbabawal na gamot ang ‘di umano’y ino-operate na sangkot ang mga pulis.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Samantala, nilinaw naman ng Kalihim na hanggat hindi pa tinatanggap ang resignation ng mga opisyal – tuloy pa rin ang kanilang serbisyo.

Target ng DILG na matanggap ang courtesy resignations bago matapos ang buwan ng Enero.
#