Halos 300 barangay sa Bulacan, drug cleared na

Nasa 294 barangay na sa Bulacan ang naideklarang drug cleared ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Katumbas ito ng 51.67 porsyento ng kabuuang mga barangay sa lalawigan.

Sa ginanap na Joint Provincial Peace and Order Council, Anti-Drug Abuse Council at Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict meeting, iniulat ni PDEA Bulacan Provincial Officer Marie Fe Manto, target  nilang maideklara ang natitirang 275 na barangay sa mga susunod na buwan.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Maituturing na drug-cleared ang isang barangay kung ito ay mayroong functional na Barangay Anti-Illegal Drug Abuse Council, non-availability ng supply ng illegal na droga, may drug awareness campaign, at may voluntary and compulsory drug treatment and rehabilitation processing desk.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

At isasailalim naman ang barangay sa pagsusuri ng Regional Oversight Committee.