Halos 20k kilo ng seaweeds na-produce sa dalawang islang Barangay ng Mercedes mula Enero hanggang Setyembre

CAMARINES NORTE – Umaabot sa 19, 408 kilo ng seaweeds ang na- produce sa dalawang islang Barangay ng Mercedes, Camarines Norte mula Enero hanggang Setyembre nitong taon.

Batay sa datos ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nasa 6, 848 kilos na fresh seaweeds ang na- produce sa Barangay Caringo at ang pinakamarami dito ay noong Abril na nasa 2, 250 kilo at 1, 200 kilo naman noong May.

Pinakakaunti noong Setyembre na may 150 kilos lang at noong Enero na nasa 168 kilos.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Nasa 12, 560 naman ang nai- produce ng Apuao at ang pinakamarami ay noong Mayo na may 3,000 kilo.

Bukod dito mayroon ding tig sampung kilo na dried seaweeds ang na-iproduce noong Marso at Abril sa Apuao.

Sa kabuuan sa dalawang isla noong Abril at Mayo talaga ang pinaka-peak na nakapag produce ng 4, 525 kilo at  4, 200 kilo.

Umaabot naman sa kabuuang 21, 060 kilo ang propagules dispersal sa mabaggit na dalawang isla.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Mababatid na bumaba ang produksyon ng seaweeds sa lalawigan noong COVID- 19 pandemic dahil naantala ang pamamahagi ng mga kagamitan at semilya sa pagtatanim nito.

Sinasabing isa ang Pilipinas sa dati ay nagungunang bansa sa mundo na contributor ng seaweeds.

Noong 2018 ay tumaas ng hanggang sa 8.58 percent ang naitalang seaweeds production sa bansa sa second quarter ng taon batay sa datos ng Philippine Statistics Authority. Naitala ang 318. 51 libong MT produksiyon na mas mataas kumpara sa 293.34 libong MT noong 2017.