CAMARINES NORTE – Magsasagawa ng public hearing ang tanggapan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa huwebes ng hapon, November 16 dito sa bayan ng Daet.
Kaugnay ito sa proposed 4th revision ng zonal valuation ng Real Properties sa mga bayan ng Basud, Daet, San Lorenzo Ruiz, San Vicente at Talisay.
Third revision naman ng zonal valuation ng Real Properties sa mga bayan ng Capalonga, Jose Panganiban, Labo, Mercedes, Paracale, Sta Elena at Vinzons.
Alinsunod ito sa probisyon ng Revenue Memorandum Order No 31- 2019 na nagtatakda ng guidelines at procedures sa revision ng zonal valuation ng real properties.
Narebyu na ng Technical Committee on Real Property Valuation (TCRPV) ang proposed revision at ipinalaam na rin sa Revenue District Office ang hinggil sa bagay na ito na handa na para sa presentation sa public hearing. Mababatid na itinatakda ng batas na kada tatlong taon ay dapat ma- review ang zonal valuation.
