Halos 20 motorista nahuli sa isinagawang operasyon ng PNP HPG sa bayan ng Daet isang araw pagkatapos ng pagsalubong sa Bagong Taon

CAMARINES NORTE- Nasa 19 na motorista ang nahuli sa mga unang operasyon ng PNP Highway Patrol Group ngayong bagong taon.

Isa ang inisyuhan ng Temporary Operator’s Permit at 18 naman ang Traffic Citations Ticket.

Dakong alas 9 ng umaga nitong Martes, Enero 2 nang magsagawa ng checkpoint ang Guardians of the Highway sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Pamorangon dito sa bayan ng Daet.

Unang natiyempuhan ang isang pick- up na pinara ng mga awtoridad makaraang mapansin na overloaded ang sakay.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

May mga sakay kasi itong bata sa likuran at meron ding maliit na bata sa unahan.

Paliwanag ng HPG na bawal isakay ang mga maliliit na bata sa unahan at ang hulihang bahagi naman ng sasakyan ay hindi para sa tao kundi sa mga pangarga.

Delikado umano ito lalo na para sa mga bata dahil kung mayroong hindi inaasahang pangyayari ay maaari silang tumilapon.

Bukod dito wala ring suot na seat belt ang nasa loob.

Ilang mga pampasaheong jeep at multicab rin ang hinuli at inisyuhan ng ticket dahil sa overloading.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Kasama na nga dito ang isang pampasaherong jeep mula sa coastal barangay ng Mercedes na may malaking problema sa transportasyon dahil sa limitadong biyahe.

May nahuli rin dahil sa illegal attachment ng auxiliary lights.

Tatlo naman ang na- impound, isa ay 4-wheel vehicle at dalawang motorsiklo.

Bago ito ay nag- inspeksyon muna sa bus terminal ang HPG sa gitna ng dagsaan ng mga pasahero pauwi at palabas ng Metro Manila.