Halaga ng pinsala ng bagyo at habagat sa San Marcelino Zambales, inaalam pa ng local government

Inaalam pa ng local government kung gaano kalaki ang halaga ng pinsala sa mga imprastraktura ng pamahalaan, pribadong ari-arian at mga sakahan sa San Marcelino, Zambales.

Ito ay para malaman kung anu-anong klase ng tulong ang kailangan ng mga residente at maayos ang mga nasira dahil sa kalamidad.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Ayon kay Disaster Management Officer Edar Mauricio, liban sa nasirang kalsada, tulay at basketball court ay malaking bahagi ng mga sakahan sa San Marcelino ang nasira ng bagyo at ng habagat.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Kaninang madaling araw, pumunta na rin sa lugar ang mga tauhan ng Office of the Civil Defense para sa post assessment ng national government.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

PHOTO: San Marcelino PIO