Tolentino – nagbitiw na bilang chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee

Kinumpirma ni Senador Francis Tolentino na nagbitiw na siya bilang chairman ng Blue Ribbon Committee at miyembro ng Commission on Appointment matapos ang isang taon at limang buwan niyang pagseserbisyo rito.

Ang anunsyong ito ay naganap matapos ang halos isang linggong pagkalat ng tsismis na nagpaalam na siya sa pamunuan ng Senado na bibitawan na niya ang nasabing komite.

Read More:  Death toll from habagat and Bagyong Inday rises to 26

Ayon kay Tolentino, maituturing niya itong “fulfillment of a sacred commitment” kung saan nakita niya ang pagsisilbi rito bilang “duty’ at “honor”.

Dagdag pa niya, ang pagtupad sa kasunduan ay nakabatay sa kanyang malalim na paniniwala na ang pangako na maglingkod ng maikling panahon ay isang sangradong tungkulin sa paglilingkod sa bayan na dapat tuparin.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Aniya, makokumpirma ang kanyang pagbibitiw sa plenaryo.

Maalala, sa ilalim ng kanyang pamumuno ay inimbestigahan ng nasabing panel ang dalawang sugar “fiascos,” ang kontrobersyal na laptop deal ng Department of Education, at ang di-umano’y hindi pagsisiwalat ng Department of Health ng mga detalye sa pagkuha ng bakuna.