Tamang oras ng biyahe ng mga barko sa Matnog Port, posibleng ipatupad

Posibleng ipatupad ang tamang oras ng biyahe ng mga barko sa Matnog Port.

Ito ang isa sa mga napag-usapan sa pulong ng Pamahalaang Lalawigan ng Sorsogon at ng Department of Transportation (DOTr) sa pagbisita ni Under Secretary Elmer Francisco Sarmiento sa lalawigan kahapon, Marso 21.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Mahalaga umano ang pagkakaroon ng pag-iiskedyul sa mga barko upang maayos ang implementasyon ng mga paglayag lalong lalo na ang pagsunod sa tamang oras ng mga biyahe nito upang maiwasan ang mahabang congestion sa pantalan.

Malaking kaginhawaan rin umano ang pagkakaroon ng blue lane sa Matnog upang maiwasan at matuldukan na ang pagkakaroon ng mahabang pila ng mga sasakyan sa Matnog Port.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sa ngayon, tuloy-tuloy ang paghahanda ng Pamahalaang Lalawigan lalong lalo na sa mga alituntunin para sa inaasahang dagsa ng mga pasahero sa pantalan sa pagsapit ng unang linggo ng Abril o ang Semana Santa.