Habagat, magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan, thunderstorms sa 9 na lugar

Asahang iiral ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Ilocos Region, Abra, Benguet, Batanes, Babuyan Islands, Bataan, Zambales, Occidental Mindoro, at Northern Palawan, kabilang na sa Kalayaan Islands.

Ayon sa Pagasa, ito ay dahil sa epekto ng umiiral ngayon na habagat.

Kaugnay nito, binalaan ang mga apektadong lugar na maghanda laban sa posibleng flash floods o landslides dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsa’y malakas na ulan.

Samantala, ang habagat at localized thunderstorms ay magdadala ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa Metro Manila at ibang bahagi ng bansa.

Sa kabilang dako, ang binabantayang tropical storm sa labas ng Philippine area of responsibility ay huling namataan sa 2,050 kilometers silangan ng Central Luzon, taglay ang lakas na hangin na 75 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 90 kph.

Kumikilos naman ito pa-northward sa bilis na 30 kph. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *