Nahuli ang 26-anyos na guro na si Jake Castro na nagpapanggap na miyembro ng New People’s Army (NPA) upang makapangikil ng P2 million sa mga eskwelahan.
Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang suspek sa isang entrapment operation sa Las Piñas.

Modus ni Castro na magpadala ng e-mail sa mga paaralan kung saan binabantaan umano ang mga ito na pasasabugin ang kanilang mga pasilidad kung hindi sila magbibigay ng pera.
Samantala, humingi ng tawad ang suspek na nahaharap ngayon sa patong-patong na mga kaso sa mga nabiktima nito. || ARGIE ERGINA