CAMARINES NORTE- Nagpositibo sa COVID- 19 ang isang guro mula sa bayan ng Basud, Camarines Norte na mayroong travel history sa Nabua, Camarines Sur.
Siya si Bicol No 21015, 30 anyos na babae na taga Barangay Mocong.
Batay sa opisyal na pahayag ng Lokal na Pamahalan una itong nakaramdam ng sintomas noong July 22.
Si Bicol No 21015 ay kasalukuyang nagpapagaling sa isang isolation facility sa lalawigan.
Agaran ding pinag- quarantine ang mga close contacts ng pasyente at isasailalim sa RT- PCR test.

Sumampa na ngayon sa 108 ang kabuuang kaso ng sakit sa naturang bayan pero dalawa na lamang ang aktibong kaso.
Maliban sa guro, ay nagpapagaling din ngayon ang isang Government employee mula naman sa Barangay Mantugawe na unang iniulat na positibo sa sakit kamakalawa.
Nasa 98 na ang gumaling sa sakit habang mayroon nang naitalang walong pagkasawi.

