Inilagay muna sa isolation cell ng Pasig City Jail- Female Dormitory si Alice Guo.
Ito’y matapos makitaan ng suspected left lung infection si Guo sa isinagawang medical examination ng mga doktor ng PNP General Hospital at Forensic Group.
Nag-develop kasi sya ng ubo at sipon nitong nakalipas na weekend.
Ayon naman kay BJMP Spokesperson Jail Chief Inspector Jayrex Bustinera, kasama sa maliit na isolation cell ni Guo ang tatlo pang ibang Persons Deprived of Liberty na may tubercolosis.
Sinabi ni Bustinera, na sasailalim sa Gene-Xpert lab test si Guo para makumpirma kung may TB ito.
Kung ang magiging resulta aniya nito ay negatibo, ililipat si Guo sa isang selda na kasalukuyang mayroong 43 PDLs.
Makakasama rito ni Guo ang apat na kapwa akusado ni Apollo Quiboloy na sina Ingrid Canada, Paulene Canada, Jackielyn Roy at Sylvia Cemañes.