Tigil-pasada ng PISTON at MANIBELA, lumarga na

Nagsimula na ngayong Lunes, September 23 ang unang araw ng transport strike na ikinasa ng grupong Piston at Manibela.

Ang kanilang panawagan, ang pabasura pa rin sa public transport modernization program ng pamahalaan at payagan silang makabalik sa pamamasada.

Maaga pa lamang ay nagtipon tipon na ang mga miyembro ng dalawang transport groups sa iba’t ibang strike centers sa Metro Manila para nga sa dalawang araw na tigil-pasada.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Hiling ng transport groups, ibalik na ang kanilang prangkisa at gawing optional na lamang ang pagsali sa kopperatiba.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Samantala, sa kabila ng tigil-pasada hindi pa rin ito maramdaman sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

Normal pa rin ang byahe ng mga pampasaherong jeepney dahil hindi lumahok ang karamihan sa kanila dahil sayang ang kita.

Tatagal ang transport strike hanggang bukas, September 24.