Guo, mayroon umanong malaking lupang binili sa Alabang ayon sa isang senador

Kinumpirma ni Senate Committee on Ways and Means, Chairperson, Senador Win Gatchalian na maaring bawiin ng gobyerno ang mga lupang nabili ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Kung saan lumalabas sa mga naunang pagdinig at impormasyon na may anim siyang real properties sa Marilao, Bulacan, dalawa naman sa Bamban, Tarlac at isa sa Capiz, Tarlac.

Samantala, isiniwalat din ng senador na mayroong malaking lupa pang nabili si Guo sa Alabang.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Ani Gatchalian, dahil sa naging mga malalakas na ebidensya laban kay Guo tulad ng report ng National Bureau of Investigation (NBI) ay nakatakda ng maghain ng kaso ang Office of the Solicitor General (OSG) ng forfeiture case laban dito.

Ang forfeiture case ay isang legal na proseso kung saan ang estado o pamahalaan ay kumukuha ng ari-arian mula sa isang indibidwal o entidad.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Sa sitwasyon ni Guo, eligible umano ang pagkumpiska sa lupa nito ayon kay Gatchalian dahil hindi naman ito isang Filipino citizen.

Maalala, ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas, ang mga lupaing ari-arian ng bansa ay maari lang ipamahagi sa mga Pilipino o sa mga korporasyong pagmamay-ari ng mga Pilipino.