Guo – iginiit na hindi siya espiya taliwas sa pahayag ng Chinese self-confessed spy na si Wang

Humingi ng tulong si Alice Guo sa komite nina Senadora Risa Hontiveros sa pag-imbita kay Wang Fugui, na isang self-confessed spy sa susunod na pagdinig.

Ito ay kasunod ng pagbanggit ni Wang na espiya si Guo bagamat hindi umano ito parte ng special spies na ni-recruit ng China’s State Security.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Ngunit nang tanungin naman ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada si Guo tungkol dito ay mariin niyang itinanggi na espiya siya.

Ayon pa sa kanya, posibleng ginagamit lang ni Wang ang kanyang media mileage para sa sarili nitong motibo.

Read More:  Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan

Maalala, si Wang ang sinasabing cellmate ni She Zhijiang na siyang may hawak sa ilang declassified documents na kakikitaan ng mga listahan ng mga espiya ng China.