Pamahalaan, ginawa ang lahat ng makakaya upang masalba sana ang Pinoy OFW na binitay sa Saudi Arabia

Nakikidalamhati at nagpaabot ng panalangin si Pangulong Bongbong Marcos sa pamilya ng Pinoy OFW na binitay sa Saudi Arabia dahil sa kasong murder.

Sa ambush interview sa Pangulo sa Villamor Airbase bago ito lumipad patunong Lao, binigyang diin ng Pangulo na ginawa ng pamahalaan ang lahat ng kanilang makakaya upang maisalba sana ang buhay nito.

Read More:  Comelec insists 2028 national elections will push through

Ayon pa sa Pangulo, nasa anim na taon na ang naturang kaso. Nakiusap na rin anya sila sa gobyerno ng Saudi Arabia na tingnan ulit ang kaso at baka mabago pa ang desisyon.

Sa kabila nito, sadyang istrikto anya ang pagpapatupad ng Saudi Arabia sa kanilang batas at matibay ang conviction kaya natuloy pa rin ang execution ng naturang OFW.

Read More:  DENR monitors poor water quality near Navotas Landfill

Tiniyak naman ng Pangulo na handa silang magbigay ng assistance sa pamilya nito lalo na sa pagpapauwi ng bangkay sa Pilipinas.

Samantala maliban sa pakikidalamhati, hindi na ibinigay ng Pangulo ang pagkakakilanlan ng naturang Pinoy OFW.