Naghain na ngayong araw ng certificate of candidacy (COC) para sa pagka-gobernador sa 2025 midterm elections si Cavite 7th District Board Member Francisco Gabriel “Abeng” Remulla.
Kasama nitong naghain ang kanya ring runningmate na si Cavite 2nd District Board Member Ram Revilla na naghain naman ng kanyang COC para sa pagka-gobernador.
Target palitan ni Abeng ang kanyang tiyuhin na si bagong-talagang Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla.
Mababatid na binawi ni Jonvic ang kanyang kandidatura noong October 7, isang araw bago siya manumpa bilang DILG secretary sa Malacañang.
Sa ngayon, nagsisilbing acting gov. ng Cavite si Vice Gov. Athena Tolentino.