Guinobatan Mayor Ongjoco pinaka-unang nabakunahan sa Pilipinas ng Ronapreve kontra Covid-19

LEGAZPI-Kinumpirma mismo ni Guinobatan Mayor Gemma Ongjoco sa lalawigan ng Albay na siya ang kauna-unahang Pilipino na binakunahan ng Ronapreve kontra Covid-19.

Sa panayam ng Brigada News Fm Legazpi kay Ongjoco, matapos magpositibo sa sakit na Corona Virus, kasalukuyan itong naka-quarantine.

Kahapaon lamang ng itoy tinurukan n Ronapreve sa St.Lukes Hospital.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Isa umano sa kadahilanan kung bakit siya ang piniling nakunahan ay dahil sa maliban sa positibo sa nakakahawang sakit, mataas rin ang kaso Covid 19 sa kanilang bayan na kung saan aabot sa 41 na barangay ang kasalukuyang naka granular lockdown.

Kung maaalala ang Ronapreve vaccine ay isang anti-body at kauna-unahang inemplementa sa Japan at ginagamit bilang gamot sa mga nakakaranas ng mild to moderate symptoms ng Covid.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Lumalabas kasi sa pag-aaral na ito ay makakatulong para di na lumalala ang kondisyon ng nagpositibo sa sakit.

Kung maaaalala, si  Pres.Donald Trump sa United States of Amerika ang naturukan rin ng kaparehong bakuna.