Pagkuha ng PRC I.D Card pwede na maihatid sa bahay

LEGAZPI-Nagpalabas ng anunsyo ang Professional Regulation Commission Regional Office V na maaari nang maiderektang maideliver sa bahay ng mga kliyente ang kani-kanilang nirenew na PRC ID.

Kung dati rati ay kailangan dumerekta sa kanilang opisina, ngayon ay ipapadala na nila sa ibibigay na address.

Read More:  PDEA, police dismantle alleged drug den in Davao del Sur

Sa mga kukuha umano nito ay kailangan lamang pumunta sa kanilang website na online.prc.gov.ph para malaman kung paano maipapadala.

Ang PRC ID Card ay ekslusibo lamang sa loob ng rehiyon Bicol at para lamang sa may mga dati ng I.D at magrerenew lamang.

Read More:  12 youths hospitalized in Koronadal after eating poisonous tuba-tuba fruit

Ilan naman sa mga Bicolano ang pinuri ang nasabing sistema dahil pa rin sa sitwasyon ng pandemya.