Guinea pig sa North Carolina nagpamalas ng 14 na tricks sa loob ng 1 minuto

Nagpakitang gilas sa Guinness World Record ang isang guinea pig sa North Carolina matapos na magsagawa ito ng 14 na tricks sa loob ng isang minuto.

Ayon kay Gwen Ford, may-ari ng Guinea pig, ang isinagawang performance trick ng kanyang alaga ay pagtatangka nitong makapasok sa Guinness bilang alagang hayop na may pinakamaraming naisagawang tricks sa loob ng isang minuto.

Dagdag pa nito, sinabi sakanya ng Guinness na walang may hawak ng ganitong titulo sa kanilang kategorya kung kaya’t nagtakda ang organisasyon ng minimum goal na kailangang magawa ng Guinea pig upang makasapok sa world record.

Aniya, matagumpay na naisagawa ng kanyang alaga ang pagsusulit na ibinigay ng Guinness kaya naman hinihintay na lamang nila ang parangal at titulo na ibibigay upang maitalaga bilang pinakabagong world record holder.

Ikwenento rin ni Ford na umabot na sa 70 tricks ang nagagawa ng kanyang alaga at nakatanggap na rin umano ito ng siyam na  titulo sa iba’t-ibang kompetisyon.

Ngunit ngayon umanong nagkaka edad na ang Guinea pig ay nakikita nyang nawawalan ito ng interes sa mga ginagawa nitong tricks kaya umaasa si Ford na magiging maganda ang huling aktibidad na isinagawa ng kanyang alaga.### ROWELYN SARALDE, Intern