BICOL – PATULOY na nakakapagtala ng mababang bilang ng mga bagong kaso ng covid-19 ang Bicol region.
Base sa pinakahuling ulat ng Department of Health-Bicol, nag-rehistro lamang ng 1 bagong kaso ng sakit na nagmula sa bayan ng Baao sa Camarines Sur.
Bunsod nito, umaabot na ngayon sa 59,010 ang cumulative cases ng covid-19 sa rehiyon simula noong March 2020.
Samantala, isa lamang din ang bagong narekober na naitala sa lalawigan ng Sorsogon daan para umakyat naman sa 54,817 ang total recoveries.
Wala namang naitalang bagong pagkasawi sa sakit kung kaya’t nakapako sa 2,274 ang total covid-19 fatalities sa Bicol region.