GTMO muling nagpaalala kontra heatstroke; 1 enforcer na inatake habang nasa duty, nagpapagaling na

CAMARINES SUR — Muling pinaalalahanan ng Goa Traffic Management Office ang mga kapwa traffic enforcer na magdoble ingat at uminom palagi ng tubig dahil sa nararanasang matinding init ng panahon ngayon, ito ay matapos atakehin ng heatstroke ang isang kapwa nila enforcer habang nasa duty.

Ayon kay GTMO Head, Neo Pitallano, bagaman nagpapagaling na ang isa sa mga kasamahan nilang inatake ng high blood, naagapan naman ito. Ibayong pag-iingat pa rin ang paalala ng opisyal sa mga kasamahan upang hindi na maulit pa ang nangyari.

Sa ngayon, walang naging pagbabago sa schedule ng mga enforcer, by shift hanggang alas diyes ng gabi, subalit pinapayuhang huwag na munang pumagitna sa daan lalo na kung mataas ang sikat ng araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *