Waterlily Charcoal Briquetting Program sa Mabolo, Naga City, pinagpaplanuhan na muling buhayin

NAGA CITY- Pinagpapalnuhan ngayon ng Barangay Mabolo, Naga City na muling buhayin ang dati nang nasimulan na Waterlily Charcoal Briquetting Program upang mapakinabangan ang mga nakatamabak na makina at magkaroon ng dagdag na pagkakakitaan ang mga residente.

Ibinahagi sa Brigada News FM Naga ni Kapitan Noel Constantino, na taong 2016 nang matigil ang paggawa ng waterlily charcoal sa barangay dahil sa mahinang bentahan nito. Kahit na nga may isang malaking kainan sa lunsod na regular na  kumukuha sa kanila ng uling, hindi pa rin ito sapat para mabili ang iba pang pangangailangan para sa produksyon nito.

Maliban sa makakatulong ito sa dagdag hanapbuhay ng mga kabaranggay, isa rin ito sa nakikitang tulong ng punong barangay sa pagpapanatili ng kalinisan sa ilog.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *