Binatikos ng activist fishers’ group na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) ang administrasyon ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa hindi umano pag-aksyon para mapigilan ang epekto ng oil inflation sa vulnerable sectors.
Giit ni PAMALAKAYA national spokesperson Ronnel Arambulo, na hindi paman sila lubusang nakakabangon matapos ang walang habas na pagsirit ng presyo ng langis, ay mayroon na namang panibagong taas-presyo.
Para sa grupo, dapat managot umano si Marcos dahil sa kapabayaan at pagiging incompetence sa overpricing ng oil companies.
Dagdag ng PAMALAKAYA, bagsak pa rin ang huli ng mga mangingisda dahil sa epekto ng mataas na gastusin sa produksyon, lalo na ang langis, at nananatiling kapos at mabagal ang fuel subsidy ng pamahalaan para sa mga magsasaka at mangingisda.
