Personal na nakilala at naka-kamayan pa ni Cesar Montano ang nobyo ng dating asawa na si Sunshine Cruz, kasama ang tatlong mga anak ng aktor na sina Sam, Angelina at Chesca.
Sa 18th birthday party ni Sam, makikita sa larawan na ibinahagi ni Sunshine ang pagshake hands ng negosyanteng si Macky Mathay at ni Cesar.
Maliban dito, makikita rin sa mga larawan ang pagpose nina Sunshine, Mathay, Montano at partner ng aktor na si Socorro Angeles, kasama din sina Sam, Angelina at Chesca.
Samantala, natuwa rin si Teresa Loyzaga, sa muling pagsasama-sama ng anak nito kay Cesar na si Diego, kasama ang kanyang mga half siblings, sa naturang party.
Matatandaan na sina Sunshine at Montano ay naghiwalay noong 2013, at napawalang bisa ang kanilang kasal noong 2018. Meanwhile, pero ang relasyon ng aktres kay Mathay ay nagsimula noong 2016.