DA-CALABARZON, sinanay ang mga magsasaka sa bayan ng Perez, Quezon

Batangas City – Sinanay ng Department of Agriculture-Special Area for Agricultural Development o DA-SAAD CALABARZON, ang nasa 124 na mga magsasaka mula sa iba’t-ibang mga Barangay sa Perez, Quezon, hinggil sa tamang pag-aalaga ng mga baboy at manok.

Layon ng programang ito na mapalawig pa ang kaalaman ng mga magsasaka pagdating sa produksyon ng swine at native chicken sa rehiyon.

Nagsilbi namang tagapagsanay si G. Leandro Julian Nuñez na mula sa opisina ng Provincial Veterinarian ng probinsya ng Quezon, kung saan tinuruan niya ng iba’t-ibang pamamaraan ang mga ito upang maayos na maalagaan ang mga manok at baboy.

Samantala, labis naman ang pasasalamat ng nga magsasaka dahil sa kanilang bagong natutunan at magagamit anila ito para magkaroon ng bagong pagkakakitaan.