Grupo ng mga magsasaka, nangangambang abusuhin ng mga traders ng price cap sa bigas

Naniniwala ang Federation of Free Farmers (FFF) na ‘premature’ pa ang panawagan ng grupong SINAG na muling ibalik ang price cap sa bigas.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay FFF national manager Raul Montemayor, sinabi niyang marami pa naamn daw ang inaaning bigas lalo na’t harvest season.

Read More:  Prosecution not afraid of Lachica testimony, questions its value in VP Duterte impeachment trial

Sinabi pa ni Montemayor na nangangamba siyang abusuhin ito ng mga traders lalo na’t babaan din nila ang presyo ng bigas na bibilhin mula sa mga local farmers.

Sabi ni Montemayor, ang nakikita niyang balanseng solusyon para parehong panalo ang mga magsasaka’t mga konsyumer ay ang maayos na presyo.

Read More:  DPWH warns public over fake documents using Secretary Vince Dizon’s signature

Kung sila raw ang tatanungin, okay na raw sa mga local farmers ang P23 na presyo sa kanila ng mga traders, para mabenta pa ito ng P45 hanggang P46 kada kilo.