100% ng lahat ng mga barangay sa bansa, tuloy sa BSKE ayon sa COMELEC

Kinumpirma ni Comission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia na matutuloy ang Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa lahat ng lugar sa bansa sa darating na October 30.

Ayon kay Garcia, walang baranggay sa Pilipinas ang hindi itutuloy ang BSKE sa October 30.

Bukod dito, sinabi rin ni Garcia na sa Lunes maglalabas ang ahensya ng resolusyon kaugnay sa pagsasailalim ng buong munisipyo ng Libon, Albay sa Comelec control.

Read More:  More than 1,100 PNP personnel face penalties amid internal cleansing drive

Ito ang lugar kung saan noong naghain pa lamang ng candidacy ang kandidato sa pagka-Kapitan at iyong incumbent niyang Kagawad ay namatay.

Kaugnay rito, may mga presensiya aniya ng private armed groups at naglipana rin ang loose firearms sa Libon, Albay.

Read More:  Sen. Pia Cayetano moves on after viral Senate emotional speech

Mababatid na nasa ilalim din ng Comelec control ang buong probinsya ng Negros Oriental.

Sa ngayon, mino-monitor pa rin ng Comelec ang pangangampanya ng mga kandidato at inaaraw-araw ang pagbabaklas sa mga campaign posters sa ipinagbabawal na lugar.