DOTr Sec. Bautista, pinaiimbestigahan na ang nangyaring power outage sa NAIA

Personal na napasugod si Transportation Secretary Jaime Bautista sa Ninoy Aquino International Airport matapos ang mga naitalang power outages sa Terminal 3.

Dahil kasi sa naranasang power interruption, nakansela ang ilang mga flights, at humaba ang pila ng mga pasahero.

Napilitan kasing mag manual check-in ang mga airline at Immigration personnel dahil sa kawalan ng kuryente.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Pinaimbestigahan na ni Bautista ang pinagmulan ng power outage sa naturang paliparan.

Bagamat mayroon nang inisyal na assessment sa pinagmulan nito, pinatitiyak ng Kalihim na hindi na ito mauulit pa.

Pamunuan ang MIAA, humingi ng paumainhin sa mga na-perwisyong pasahero

Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Manila International Airport Authority o MIIA sa mga na-apektuhang pasahero matapos ang naranasang powre interruption sa NAIA Terminal 3.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Sa isang pahayag, tiniyak ng MIIA na inaksyunan na nila ang insidente at ginagawa na nila ang lahat ng mga paraaan para hindi na ito maulit pa.

Lumabas sa paunang imbestigasyon na ang problema ay nagmula sa Terminal 3 Power Substation.

Aabot sa 16 na mga international flights at 14 domestic flights ang mga naapektuhan ng insidente.

Sa ngayon, na-restore na ang kuryente sa NAIA Terminal 3.
#