Grupo ng mga guro, lalapit na sa DBM para hiling na taas-sahod

Nais makipagpulong ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) kay Budget Secretary Amenah Pangandaman para tugunan ang concern ng mga public school teachers hinggil sa taas-sahod.

Ayon kay TDC chairman Benjo Basas, nagpadala na sila noong nakaraang linggo ng sulat kay Pangandaman na humihiling ng update sa inaasahang salary increase para sa mga civilian government employees, kabilang ang mga guro sa pampublikong paaralan, para sa fiscal year 2024.

Maliban dito, nais ding maliwanagan ng grupo sa matagal nang hinihintay na performance-based bonus (PBB).

Sa naturang liham, binibigyang-diin ng TDC ang PBB para sa FY 2022.

Ani Basas, matagal nang hinihintay ito ng mga teachers.

Hindi pa rin nila ito natatanggap sa kabila ng pagsusumite na umano ng mga kinakailangang requirements noong nakaraang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *