Mga ahensiya ng gobyerno – hindi dapat maging kampante sa kamakailang resulta ng unemployment at underemployment rate sa bansa

Ipinunto ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na tunay na nakakabahala ang pagtaas ng unemployment rate sa bansa dahil ibig sabihin nito ay may mga kailangang iresolbang problemang konektado rito.

Samantala, kung bumaba naman umano ang underemployment rate ay posibleng magmukha itong positibo sa simula, pero kalaunan ay maaring magpakita ito ng problema sa labor market dahil hindi pa rin nagawa ng ibang Pilipino na makakuha ng angkop na trabaho.

Ito ang naging pahayag ni Estrada matapos ang paglalabas ng bagong datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nagpapakita ng pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong unemployed mula 2.04 milyon noong Abril papuntang 2.11 milyon nitong Mayo.

Maliban pa roon, lumalabas din na bumaba sa 9.9% ang dating underemployment rate na 14.6.

Alinsunod nito, binigyang-diin niyang hindi dapat maging kampante sa nasabing sitwasyon at mahalagang magkaroon ng pagtutulungan ang mga mambabatas, ahensya ng gobyerno at pribadong sektor sa pagbuo ng strategic solution para rito.

Maalala, ang unemployment ay tumutukoy sa mga indibidwal na aktibong naghahanap ng trabaho pero hindi makahanap ng angkop na posisyon, habang ang underemployment naman ay tumutukoy sa mga nakakuha ng trabaho pero sa mas kaunting oras.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *