Nasaktan sa pagsabog ng paputok sa Zamboanga City, umakyat na sa 27; malalimang imbestigasyon, ipinag-utos

Aabot 27 mga indibidwal ang bilang ng mga nasaktan sa joint disposal ng mga paputok kahapon sa Brgy. Cabatangan, Zambonga City.

Ayon sa Police Regional Office 9, kabilang sa mga nasaktan ang 20 uniformed personnel at 7 sibilyan.

Base sa imbestigasyon, magkakasama ang mga unit ng PNP, PCG, BFP at Philippine Marines para sa disposal ng samu’t-saring mga paputok nang magkaroon ng tinawag nilang “premature detonation” dahilan sa pagkakasugat ng mga uniformed personnel at ilang sibilyan

Maliban sa mga nasaktan, 3 sasakyan din ng mga awtoridad ang napinsala sa insidente.

Ipinag-utos na ang malalalimang imbestigasyon sa sa lawak ng pinsala ng pagsabog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *