Grupo ng mga beterano, naghayag ng suporta kay PBBM sa pagtindig para sa soberenya ng bansa sa WPS

Naghayag ng suporta ang grupo ng mga beterano kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr, sa pagtindig para sa soberenya ng bansa sa West Philippine Sea.

Sa isang pahayag na pirmado ni retired AFP MGen Romeo Dalamillo ng Veterans Federation of the Philippines, nakikiisa rin sila sa Department of National Defense sa pamumuno ni Sec. Gilberto C. Teodoro, Jr., sa kanilang mahalagang papel sa pag protekta sa teritoryo ng ating bansa.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Buo rin ang kanilang suporta sa defense and military’s strategic transformation agenda ng pamahalaan sa pamamagitan ng Comprehensive Archipelagic Defense Concept o CADC.

Kinondena rin nila ang barbaric, at provocative acts ng Chinese Coast Guard, na gumamit ng pwersa upang pigilan ang rotation at resupply mission sa Ayungin Shoal noong nitong June 17.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Nagbigay din ng pinakamataas na pagkilala ang mga beterano sa tinawag nilang mga modernong bayani, ang mga tagapagtanggol ng WPS, na matatag at matagumpay na tinupad ang kanilang misyon nang may pinakamataas na propesyonalismo, sa paghawak ng delikadong sitwasyon sa WPS.