Grupo, ‘di tiwalang makakamit ng PH ang sapat na suplay ng bigas bago ang 2028

Naniniwala ang isang grupo na hindi makakamit ng bansa ang sapat na suplay ng bigas bago ang taong 2028.

Pag-usisa ni Cathy Estavillo, tagapagsalita ng Bantay Bigas, na papaano makakamit ang rice sufficiensy kung may mga batas na humahadlang para maging masigla ang industriya ng bigas sa bansa.

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Inihalimbawa nito ang Rice Liberalization Law, gayundin ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).

Una nang sinabi ni NIA acting administrator Eduardo Guillen na kumpiyansa silang maaabot ng bansa ang target na 97.5% rice self-sufficiency  sa pagsapit ng taong 2028.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Patuloy daw nilang kinukumbinsi ang mga magsasaka na magtanim ng hybrid rice at pagbibigay ng tamang pagsasanay at makinarya  para maiproseso ang kanilang mga inaning produkto at mai-alok sa merkado. //CA, edited MHEL PACIA