PAMAMAHAGI NG RELIEF GOODS SA MGA NASALANTA NG BAGYO, PINANGUNAHAN NG MGA UNIFORMED PERSONNEL

Nagsagawa ang mga kasundaluhan ng 5th Infantry Division, US Marines, Philippine Marines, at personnel ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office No.2 ng relief operations sa mga apektado ng nagdaang bagyong Egay.

Aabot sa isang libong family food packs ang ipapamahagi sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng Bagyong Egay sa isla ng Fuga sa bayan ng Aparri at sa isla ng Calayan ngayong ika-3 ng Agosto sa Cagayan North International Airport, Lal-lo, Cagayan.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Gagamitin naman ng joint Humanitarian Assistance Disaster Response (HADR) operations ng Pilipinas at Amerika sa paghahatid ng sampong pallets o 1,000 Family Food Packs ang dalawang V-22 Ospreys at dalawang CH53 Sea Stallions sa mga nasabing isla.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Kasama rin ang Blackhawk ng AFP sa paghahatid ng mga relief items.

Matatandaan na nitong mga nagdaang araw ay nauna nang naibigay ang mahigit 5,000 kilo ng bigas sa probinsya ng Batanes sa pamamagitan ng mga sasakyang panghimpapawid ng US.