Greta Thunberg, dumating na sa London para harapin ang kaso

Dumating na sa korte ng London ang climate activist na si Greta Thunberg upang harapin ang paglilitis sa isang public order offense isang protesta sa labas ng kumperensya ng langis at gas noong nakaraang taon.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Inaresto si Thunberg noong Oktubre matapos magprotesta sa labas ng London hotel kung saan ginanap ang Energy Intelligence Forum, na dinaluhan ng mga lider ng industriya.

Isa siya sa limang tao na nakalista upang humarap sa paglilitis sa Westminster Magistrates’ Court.

Read More:  Venezuela earthquake death toll climbs to nearly 4,500

Kung mapatunayang nagkasala, mahaharap sila sa maximum na multa na £2,500 o mahigit P180,000.

Maalalang naging isang kilalang campaigner sa buong mundo si Greta matapos magsagawa ng lingguhang protesta sa harap ng Swedish parliament noong 2018.