Grand Santacruzan, gaganapin na taun-taon

Magiging pangunahing taunang aktibidad na ang Grand Santacruzan sa lalawigan ng Sorsogon, ito ay matapos na nagkakaisang inaprubahan ng 11th Provincial Board sa kanilang 97th regular session ang request ni Gov. Edwin ‘Boboy’ Hamor na isama na ang Grand Santacruzan bilang isa sa major annual activities sa probinsya.

Nakasaad sa Resolution na ang Santacruzan, na kilala din bilang ‘Festival of the Holy Cross,’ ay gaganapin kada ikatlong Linggo ng buwan ng Mayo. Maliban sa ito ay bahagi ng tradisyong Filipino na nagpapakita ng debosyon kay Blessed Virgin Mary, maitatampok din dito hindi lamang ang kagandahan ng kababaihan kundi maging ang industriya ng turismo sa lalawigan.

Kung babalikan, 15 Filipina beauty queens ang rumampa noong nakaraang buwan na sumama sa prosesyon na nagsimula sa Sorsogon Sports Arena papuntang Provincial Gymnasium sa Capitol Compound.

Si Miss Supranational 2013 Mutya Datul ang naging Reyna Elena at ang Bicolanang si Binibining Pilipinas International 2021 Hannah Arnold.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *