3 MWP kabilang ang No. 1 CMWP, naaresto ng Pulis Kasanggayahan sa loob lamang ng isang linggo

Sa isang linggong anti-criminality campaign ng Pulis Kasanggayahan, tatlong most wanted person at 6 na other wanted person ang naaresto kabilang na dito ang No. 1 most wanted person ng Castilla MPS na may kasong 7 counts of rape.

May kabuuang apat na indibidwal naman ang naaresto dahil sa illegal fishing at apat ang naaresto sa illegal gambling habang nakapagtala ang Pulisya ng isang kasapi ng NPA na boluntaryong sumurender.

Umabot naman sa mahigit P3K halaga ng iligal na droga ang nasabat noong buwan ng Mayo nitong taon kabilang dito ang .479 gramo ng shabu at 2.59 gramo ng Marijuana. Umabot naman sa 6 na drug suspek ang naaresto.

Sa ibang balita, mainit na tinanggap ng mga opisyal at tauhan ng Pulis Kasanggayahan ang regional director ng National Police Commission na si Dir. Manuel Lopez Pontanal. Nagbigay ito ng napakahalagang mga insightS tungkol sa Community and Service Oriented Policing (CSOP) at hinggil sa National Crime Prevention Program (NCPP), kung saan binigyan diin nito ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa komunidad at proactive na pag-iwas sa krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *